Home » Archives » 03. April 2009
Conti’s Pastry Shop & Restaurant
April 3, 2009I’ve been hearing a lot of good food reviews about Conti’s but never got a chance to eat there. One thing is that there is no branch along Glorietta or Greenbelt. Their Makati branch is located at Serendra, Bonifacio Global City.
LP: Paboritong Litrato
Ito ang una kong lahok sa Litratong Pinoy. At para sa tema ngayong linggo na “Paboritong Litrato”, bigla akong napaisip kung anong litrato ang ilalagay ko. Simula ng mahilig ako sa potograpiya at ng maregaluhan ako ng isang dslr na kamera noong Disyembre, ang dami ko ng mga naging koleksyon ng litrato. Kahit anong pwedeng makunan ay aking kinukunan. Sabi na nga sa akin ng aking mga ka-opisina eh “adik” na daw ako. hehehe. Pero sa tutuo lang, nakaka-adik talaga ang pagkuha ng litrato. Minsan naiinip ako pag di ako makapag-shoot man lang sa isang araw. hayyyy.
Kaya para sa tema ngayon, napili kong ilahok itong litratong ito na kuha ko ng sumama ako sa photowalk ng aking kaibigan sa Baliuag Bulacan.

Pintuan ng simbahan ng Baliuag
Ito siguro ang masasabi kong isa sa mga kuha ko na pakiramdam ko ay isa akong magaling na potograper pagkatapos ng photowalk na iyon. hehehe. Pagkatapos ng photowalk na ito, naging sunod sunod na ang pagkuha ko na litrato at masasabi kong naa-adik na ako.










