Home » Post Item » Ang Mahal Maging Dayuhan Sa Sariling Mong Bayan
Ang Mahal Maging Dayuhan Sa Sariling Mong Bayan
April 8, 2009Ito ay isang malungkot na katotohanan – mahal ang maging isang dayuhan lalo na sa sarili mo pang bayan. Nakakalungkot lang, matapos kong makita ang isang bahagi ng Pilipinas na dinadayo na ng karamihan at mga dayuhan, isang masakit na pangyayari ang hindi ko palalampasin.
Pagkadating namin ng aking kaibigan mula sa kamanghang manghang isla ng Batanes, inaya ko siyang samahan ako sa Fort Santiago upang makita at makunan din ng litrato. Yun sa dahilang hindi pa ako nakakapasok duon (weird, pero tutuo). Nagpahinga muna kami at pagkatapos ay pumunta na sa Fort Santiago ng hapon. May nakilala kami at nagsabi sa amin na kailangan naming kumuha ng permit para makapaglitrato lang sa luob. (kahit alam ng kaibigan ko na pwedeng pumasok naman sa luob), pumunta kami sa Administration ng Intramuros. Dito na nagpantig ang mga tenga naming.
Pagdating naming departamento na pagkukunan ng permit, sinabi sa amin na wala daw ang pipirma ng permit at naka-bakasyon na daw. Tinanong naming kung wala bang ibang tao na pwedeng pumirma dahil dinayo pa namin ang Fort Santiago at mababale-wala lang ang punta namin. Pinasa kami sa isa pang namamahala at bukod sa wala ngang pipirma ay sinabi sa amin na kailangan naming magbayad ng Php 2,000 kung kukuha kami ng mga litrato duon. Hindi namin maintindihan ang paliwanag niya kung bakit kailangang magbayad gayung ang mga litrato naman na iyon ay para sa personal na gamit. Kung i-post man siya sa personal site (multiply, facebook, etc) ay para din na makatulong na ma-promote ang Pilipinas. Sinabi ng kaibigan ko na hindi pa ako nakakapunta at isa akong “turista”. Ganito ba naman ang isagot sa amin. “Ang mga turista na nagpupunta duon ay gumagamit lang ng digicam at hindi gaya ng dala naming kamera (which is SLR). Grabe, napikon lalo ako sa sinabi nyang iyon. Kasalanan ba namin kung sa pagiging turista ko ay kaya kong gumamit ng SLR at hindi digi-cam? (Pambihira Talaga). Kesyo kailangan pa naming magpa-approve. Ang daming rason. May sinabi pa siya na kung i-promote namin ang Fort Santiago kailangan may ex-deal pa kung sakali na hindi kami magbayd. (Ano ba naman yan) In-short umalis kami ng buwisit na bwisit..
Sinubukan naming pumasok sa Fort Santiago kung sisitahin kami. Nagbayad kami ng Php75.00 entrance fee at matapos na –icheck ang aming mga ticket ay pinapasok na kami (so, ano yung sinasabi nyang Php2,000). Habang nagiikot kami ay may nakita kaming mga dayuhan na mula Amerika at may dalang SLR. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko at sinabi namin na pano nya nasabi na digi-cam lang ang kayang dalhin ng isang tourista. Ang dami pa naming nakita na mga Filipino sa luob na may dalang camera ng katulad ng samin at hindi naman nagbayad ng permit ng sinasabi nya.
Hayyy pagpwedeng pagkakitaan talaga. Kaya tama lang ang pagpromote nila “WOW PHILIPPINES!!!!” talaga. It really PAYS to be courteous.
Previous Comments
@wits: the registration was supposed to be if your doing pre-nup pictorial and other stuff that is why you need an agreement, etc. but kung visit lang no need talaga. I just don’t know why she cant get what we are trying to say to her at pinagpipilitan nya na hindi kami pwedeng pumasok na dala yung cam namin.
Posted by upto6only at April 8, 2009, 1:45 pmhay… *inhale, exhale*
at ayoko talaga ng mga nagpaparinig at kung ano-ano pa sinasabi.
parang pag bibigyan ka ng ticket for a traffic violation, kung ano-ano pa sinasabi bago i-abot yung ticket. ang sarap sabihan, “i don’t need a sermon from you. just shut up and gimme the ticket.”
kaka-init ng ulo talaga mga ganyan. buti di niyo pinatulan.
Posted by bursky at April 9, 2009, 5:29 pmhehehehe di ko ma imagine ang pag pantig ng iyong tenga ms marian…ang naalala ko lang kasi palagi ay ang iyong tawa..
at nakakalungkot isipin na di pa ako naka punta ng fort santiago…waaaaaaaaaaa…ang dami ko pa palang dapat puntahan…kala ko well travelled na ako sa pinas
Posted by laagan at April 10, 2009, 1:31 pm@ bursky: hayyy sinabi mo pa. its not worth na patulan kasi mukang hindi nya kami naiintindihan.
Posted by upto6only at April 10, 2009, 10:23 pm@laagan: naku kung andun ka lang you’ll the same thing. yes ako din ang dami ko pa talagang hindi pa napupuntahan sa pinas even sa manila lang. kaya nga i try to visit them now while i can hehhe
Posted by upto6only at April 10, 2009, 10:25 pmganyan tlga ang tao,,mahirap aminin pero likas sa tao yan..kya nga kawawa ang walang alam at walang laban…entrance fee lng ang nid dun and the rest wala na… kya hindi umaasenso ang bayan..kulang na nga sa bigas sandamakmak pa ang mandurugas hayss pilipinas….
Posted by belial at January 21, 2010, 10:02 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













Ang dami ko ngang nakikita na uploaded pix ng Fort Santiago. Tingin ko hindi naman talaga required yung registration. Depende rin kase yan sa in-charge that day. As to formal promotion, necessary yung agreement. During college pa pala yung last na visit ko sa FS. Yung first visit nung field trip nung high school. =)
Posted by witsandnuts at April 8, 2009, 11:32 am