Home » Archives » 14. May 2009
LP: Nang Matapos
May 14, 2009Huwebes na naman at LP ulit. Medyo nahirapan ulit ako kung ano ang pwede kong maisali para sa tema ngayon. Sa pagtitingin ko sa aking mga koleksyon na litrato, nakita ko ito nasabi ko na pwede ko syang mailahok ngayon.
Ito ang training ng ERS - Internal Auditors namin sa opisina. Hindi ako kasama dito pero dahil sa dala ko ang aking camera ay nagprisinta ako na kunan ko ang huling araw ng kanilang training
habang nag-training…
Nang matapos ang training nila ay nagkaroon ng awarding ceremony para sa mga nakakuha ng mataas na marka sa ginawa nilang technical exam.
Yung dalawang may hawak ng tsokolate ang nakakuha ng ikalawang pwesto.
At matapos ang awarding, syempre ang group picture taking.












