Home » Archives » 28. May 2009
LP: Alam Mo Ba?
May 28, 2009Habang sinusulat ko ang ilalagay dito para sa tema ngayong linggo ay natatawa ako. Alam mo ba na natapos kong panuodin ang Boys Over Flower dvd ng mga 16 hrs.

Sinimulan ko itong panuodin ng Biyernes ng Gabi at natapos ko ito ng Linggo ng madaling araw. Na-addict akong panuodin ito kasi gaya siya ng Meteor Garden. hehehe at dahil dito crush na crush ko ang leader nila na si Lee Min Ho as Goo Joon Pyo aka Domyoji Tsukasa.

Lee Min Ho as Goo Joon Pyo aka Domyoji Tsukasa
Source: Boys Before Flower site
Eto pang isa, nagdownload ako ng soundtrack nila at pinakikinggan ko ito ng paulit-ulit kahit na hindi ko naiintindihan ang salita hehehe. Maganda naman kasi ang beat. Hanggang ngayon ay binabalikan ko ang mga magagandang episode ng BOF
kasi naman inilipat pa ng oras eh tama na sana sa 10pm na time slot (kainis)
Alam nyo din ba na kinailangan kong tumakas sa opisina para lamang makapanuod at makakuha ng litrato sa ginawang grand parade nuong lunes, Mayo 25, bilang celebrasyon ng Araw ng Makati. Dapat nuong unang lingo ng Mayo eto gagawin kaso medyo naguulan nuon kaya na-postponed ito. Unti lamang ang nakunan ko dahil baka hanapin ako hehehe. Sabi ko na lang eh bibili ako ng Jollibee sa may Convergys (pero may dala akong camera).
Ang parada at street dancing ay ginawa sa Ayala Avenue ng 3pm. Binalikan ko ito ng mga 6pm kaso tapos na










