Home » Post Item » LP: Alam Mo Ba?
LP: Alam Mo Ba?
May 28, 2009Habang sinusulat ko ang ilalagay dito para sa tema ngayong linggo ay natatawa ako. Alam mo ba na natapos kong panuodin ang Boys Over Flower dvd ng mga 16 hrs.

Sinimulan ko itong panuodin ng Biyernes ng Gabi at natapos ko ito ng Linggo ng madaling araw. Na-addict akong panuodin ito kasi gaya siya ng Meteor Garden. hehehe at dahil dito crush na crush ko ang leader nila na si Lee Min Ho as Goo Joon Pyo aka Domyoji Tsukasa.

Lee Min Ho as Goo Joon Pyo aka Domyoji Tsukasa
Source: Boys Before Flower site
Eto pang isa, nagdownload ako ng soundtrack nila at pinakikinggan ko ito ng paulit-ulit kahit na hindi ko naiintindihan ang salita hehehe. Maganda naman kasi ang beat. Hanggang ngayon ay binabalikan ko ang mga magagandang episode ng BOF
kasi naman inilipat pa ng oras eh tama na sana sa 10pm na time slot (kainis)
Alam nyo din ba na kinailangan kong tumakas sa opisina para lamang makapanuod at makakuha ng litrato sa ginawang grand parade nuong lunes, Mayo 25, bilang celebrasyon ng Araw ng Makati. Dapat nuong unang lingo ng Mayo eto gagawin kaso medyo naguulan nuon kaya na-postponed ito. Unti lamang ang nakunan ko dahil baka hanapin ako hehehe. Sabi ko na lang eh bibili ako ng Jollibee sa may Convergys (pero may dala akong camera).
Ang parada at street dancing ay ginawa sa Ayala Avenue ng 3pm. Binalikan ko ito ng mga 6pm kaso tapos na
Previous Comments
ay hihihihi! para palang ako. Nahilo ako sa kapapanood at talagang pinuyatan ang BOF. Ang gusto ko sa kanila ay si JiHoo. Bago ko lang nalaman na siya ang pinakasikat sa F4 dahil leader siya ng boyband, SS501.
Ganda ng selebrasyon Araw ng Makati kaya gets ko kung bakit ka tumakas:)
Posted by Marites at May 28, 2009, 8:39 amhehehe… tumakas ka pa pala para makakuha ng pic. in fairness, maganda naman kasi at makulay ang naging kuha mo.
Kailan kaya ako makakasaksi ng ganyang Pinoy na parada, tunay na makulay!
Happy LP
nag work ako sa Makati pero never ako naka wotness ng parade…ganda pala
Happy LP M
ang ganda ng parade photo! sayang, isa lang?
naalala ko tuloy ang meteor garden fever noon…haha.
Posted by fortuitous faery at May 29, 2009, 1:35 pm@fortuitous faery: madami din akong nakunan sa multiply ko na lang post
hehehe oo para cyang meteor garden. and would you believe na after kong panuorin ang BOF, pinanuod ko yung meteor garden part2
Posted by upto6only at May 29, 2009, 3:10 pmhehe…ginawa ko ring mag marathon ng ganiyan…ilang beses na actually. naalala ko dati dinire-diretso ko din ang pagnood sa greys anatomy!
Posted by Ria at May 29, 2009, 10:55 pmHehe, ang tagal ko nastay sa Makati pero never ako nakapanood ng ganyang parade. =) Hey, pahiram ng DVD ng BOF. Hindi sya available sa TFC eh.
Posted by witsandnuts at May 30, 2009, 3:52 pmhehehe 16 hours! Ako ginawa ko rin yan sa Prison Break naman saka sa House
Thank you pala for commenting on my LP entry. Pasensya na it took me some time to approve your comment. I had problems with spams lately and your comment was among the 20thousand plus comments I had to sift through
. Nagsama-sama kasi ang mga spam at valid na comments.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.















Parang ang ganda ng parada. Makulay.
Posted by Rico at May 28, 2009, 8:36 am