Home » Post Item » LP: Paboritong Litrato
LP: Paboritong Litrato
April 3, 2009
Ito ang una kong lahok sa Litratong Pinoy. At para sa tema ngayong linggo na “Paboritong Litrato”, bigla akong napaisip kung anong litrato ang ilalagay ko. Simula ng mahilig ako sa potograpiya at ng maregaluhan ako ng isang dslr na kamera noong Disyembre, ang dami ko ng mga naging koleksyon ng litrato. Kahit anong pwedeng makunan ay aking kinukunan. Sabi na nga sa akin ng aking mga ka-opisina eh “adik” na daw ako. hehehe. Pero sa tutuo lang, nakaka-adik talaga ang pagkuha ng litrato. Minsan naiinip ako pag di ako makapag-shoot man lang sa isang araw. hayyyy.
Kaya para sa tema ngayon, napili kong ilahok itong litratong ito na kuha ko ng sumama ako sa photowalk ng aking kaibigan sa Baliuag Bulacan.

Pintuan ng simbahan ng Baliuag
Ito siguro ang masasabi kong isa sa mga kuha ko na pakiramdam ko ay isa akong magaling na potograper pagkatapos ng photowalk na iyon. hehehe. Pagkatapos ng photowalk na ito, naging sunod sunod na ang pagkuha ko na litrato at masasabi kong naa-adik na ako.
Previous Comments
nice… what an elaborate door… nice shot… Happy 1st Anniversary to us all!!!
welcome sa LP!!! ganda ng shot mo at pag ka process.. nag dagdag pa ng drama yung pulubi ba yon sa may pintuan.
Happy LP!! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/04/lp-paboritong-litrato-fave-pic.html
tamang tama. sa anniv ng LP ka unang sumali. magenjoy ka sana sa LP hehehe
ako din, may paboritong litrato!
HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!
Posted by yeye at April 3, 2009, 12:59 pmsa totoo lang ang ganda ng pagkakakuha mo ehhehe…parang pinag modelo mo talaga si manong…ganda…two thumbs up ms. marian
Posted by laagan at April 3, 2009, 1:18 pm@laagan: eheheh thanks. medyo hiya pa ako nyan. kaya pasimple yung pagkuha ko kay manong
pero ng naglapitan na sila nakisabay na din ako.
I carry my camera everywhere… its fun to let go of our creative mind.. the door is well detailed. sorry my tagalog is poorly lol bisaya pwede pa
Posted by sha at April 4, 2009, 6:00 amnapakaganda ng komposisyon.
Posted by kiwipinoy at April 4, 2009, 6:10 amMaganda ang kuha mong ito. At mabuti sumali ka sa LP. Kahit baguhan lang din ako dito, masasabi kong masaya dito.
Maligayang araw!
I’ve added you on my links too!
nakaka addict di ba? lolz
Love this shot. Nice noong door details.
Sana maka attend din ako ng mga photowalk na tulad ng na attenan mo. Alam ko marami akong matututunan sa mga ganyang events
Ay welcome pala to LP sistah!
Posted by jeanny at April 4, 2009, 11:47 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














naiintindihan ko ang sinasabi mong nakakaadik ang pagkuha ng litrato.
very interesting ang binanggit mong photo walk. parang napakasaya at maraming matutunan sa pagsali.
Posted by Munchkin Mommy at April 3, 2009, 9:46 am